Vergeiri

DOH humingi ng 10.5M dose ng COVID-19 vaccine

168 Views

HUMIHINGI ang Department of Health (DOH) ng 10,5 milyong dose ng COVID-19 vaccine sa COVAX facility.

Ayon kay DOH officer in charge Maria Rosario Vergeire nakapag-request na ang ahensya ng bakuna mula sa COVAX bilang kapalit ng mga nag-expire o nasirang bakuna.

Inaasahan umanong darating ang mga ito sa Disyembre, Enero at Pebrero na tutugon sa pangangailangan ng bansa sa naturang mga buwan.

Hindi naman masabi ni Vergeire kung kakailanganin pa ng bansa na mag-request ng dagdag na bakuna sa COVAX Facility.