Wanted

Nagtago dahil sa bigong pagpatay, nakorner sa Pasay

Edd Reyes Feb 23, 2026
272 Views

MATAPOS ang limang taong pagtatago, naaresto ng isang suspek sa tangkang pagpatay sa Bantay, Ilocos Sur sa Pasay City noong Lunes.

Dakong alas-11:30 ng bago magtanghali nang nadakip ng mga tauhan ni Makati police chief P/Col. Pedro Alagano Jr. si alyas Joseph, 47, sa Biscara St., Brgy. 169, Pasay City.

Hindi na nagtangkang tumakas ang akusado nang isilbi sa kanya ang warrant of arrest galing sa Presiding Judge ng Vigan City Regional Trial Court (RTC) Fist Judicial Region Branch 21 para sa kasong frustrated murder.

Ipiniit sa custodial facility ng Pasay police si alyas Joseph habang hinihintay pa ang utos ng korte para sa paglipat sa kanya sa municipal jail ng Bantay, Ilocos Sur.