Calendar
QCPD nadakip 3 MWP na suspek sa pagbulsa ng pondo
NADAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), ang tatlong Most Wanted Persons (MWP) na umano’y nagbulsa ng public fund sa isinagawang manhunt operation sa Quezon City nitong Martes ng hapon.
Kinilala ni QCPD Director, P/BGen Randy Glenn Silvio, ang mga nadakip na sina alyas “Brice”, 40, residente ng Santa Maria, Bulacan; “Jaypee”, 41, ng Malolos Bulacan; at “Arjay”, 33, nakatira sa Bocaue Bulacan.
Sa ulat, alas- 5:00 ng hapon nitong Martes (Pebrero 24), nang magsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Edison Ouano.
Nadakip ang mga suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest (WOA) para sa malversation of public funds sa pamamagitan ng falsification of documents, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Aabisuhan ang court of origin tungkol sa pag-aresto sa mga wanted na taong ito.

