Calendar
KELOT NABAGSAKAN NG DEBRIS SA STA CRUZ MANILA MALUBHA..

KASALUKUYANG ginagamot at inoobserbahan ang isang 43-anyos na binata matapos mahulugan ng debris mula sa bumagsak na structure sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue corner Rizal Avenue, Barangay 313, Sta Cruz, Manila, Miyerkules ng hapon.
Ang biktima na agad naisugod sa Jose Reyes Memorial Hospital ay kinilalang aylas Miguel, residente ng Oroquieta Street, Barangay 310, Sta Cruz.
Ayon sa report, mula sa unang rumesponde na si Police Major Eduardo Zaragoza Jr, Alvarez PCP Commander, kasama ang iba pa, bandang 1:25 ng hapon nang mabagsakan ng debris ang biktima habang nakatayo sa nasabing lugar.
Rumesponde ang BFP-NCR Manila Fire District na pinangunahan ni FInsp. Erwin Arabis, kasama ang mga tauhan ng MDRRMO, at kinordon ang lugar habang patuloy pa ang pagsisiyasat sa lugar.

