Calendar
Source: File photo
Babaeng rider tigok; motorsiklo nagulungan ng truck
DEAD-on-the-spot ang 58-anyos na ginang nang magulungan ng trak ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Quezon City, noong Lunes.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, alas-8:00 ng gabi nang mangyari ang aksidente sa EDSA-Cloverleaf sa Brgy. Unang Sigaw, Quezon City.
Mula sa trabaho sa Quezon City at pauwi na sana ang biktima sa Valenzuela nang masalpok ng trailer truck na patungong Malabon.
Nagulat na lamang umano ang truck driver nang maramdaman niyang tila may nagulungan ito kaya agad siyang huminto.
Bumaba ang driver ng truck at doon ay nakita niya ang biktima sa ilalim ng sasakyan at wala ng buhay.
Sumuko ang driver sa mga pulis para sa imbestigasyon.
Hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima matapos makipag-ayos ang truck driver.

