Sunog

Kabahayan sa Parola Compound nilamon ng apoy

Jon-jon Reyes Mar 6, 2026
195 Views

SUMIKLAB ang sunog sa isang residential area sa Gate 10, Parola Compound, Tondo, Maynila na sakop ng Barangay 20, Biyernes ng madaling araw

Ayon sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department, nagsimula ang sunog bandang 1:15 ng madaling-araw at madaling kumalat dahil gawa sa light materials ang karamihan sa mga kabahayan.

Bandang alas 2:05 ng madaling araw itinaas sa ika-apat na alarma ang sunog habang patuloy naman ang pag dating ng mga bumbero ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang makontrol ang apoy.

Patuloy pang inaalam ang sanhi ng apoy.

Maraming pamilya na naninirahan sa Gate 10 ang naapektuhan ng insidente.

Kasalukuyang nagsasagawa ng fire suppression operations ang mga bumbero ng Manila Fire District katuwang ang volunteer fire brigade

Patuloy ang operasyon ng mga bumbero sa pag-apula ng apoy.