Suspek sa rape, acts of lasciviousness huli sa Laguna

Gil Aman Mar 8, 2026
114 Views

CAMP BGEN PACIANO Rizal–Bumagsak sa kamay ng mga pulis ang suspek sa 5 counts ng rape at 2 counts ng acts of lasciviousness noong Biyernes.

Kinilala ni P/Col. Jonar Yupio, director ng Laguna police, ang akusado na si alyas Froilan, 49, ng San Pedro City, Laguna.

Naaresto ang suspek sa pamumuno ni P/Lt. Col. Alexander Alvarez bandang alas-9:40 ng gabi sa Brgy. Magsaysay, San Pedro City, Laguna.

Naaresto siya sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 170, San Pedro City, Laguna at Regional Trial Court, Branch 108, Cabuyao City, Laguna.

Ipinaalam sa akusado ang dahilan ng kanyang pag-aresto at ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wika na kanyang naunawaan at ang kanyang mga proteksyon sa ilalim ng RA 9745 (Anti-Torture Act of 2009).

“Ang pagkakaaresto sa naturang suspek ay bunga ng pinaigting na manhunt ng kapulisan ng Laguna laban sa mga indibidwal na may umiiral na warrant of arrest,” ayon kay Yupio.