Grade 10 na lalaki nakitang walang buhay sa 4th palapag ng public school

Edd Reyes Mar 9, 2026
149 Views

ISANG 16-anyos na estudyante ang natagpuang wala ng buhay sa ika-apat na palapag ng isang pampublikong paaralan, Lunes ng umaga sa Taguig City

Ang bangkay ng Grade 10 na lalaking biktima na hindi na pinangalanan at residente ng Brgy. South Signal ay natagpuan, dakong alas 6:30 ng umaga sa covered court ng di binanggit na pampublikong high school sa Brgy. South Signal.

Wala pang inilalabas na inisyal na imbestigasyon ang pulisya bagamat nagpapatuloy ang pagsasagawa ng pagsisiyasat ng Taguig Police Sub-station 6 at mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo, kasama ang Forensic Unit

Nagresponde rin sa lugar ang mga tauhan ng Violence Against Women And Children Desk ng nakakasakop na barangay, pati na ang barangay rescue team, at Taguig City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).