Calendar
Nagpapanggap na doktor arestado sa NBI
ARESTADO ang isang Chinese national ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) dahil sa pagpapanggap na doktor sa Maynila.
Nagsagawa ng surveillance ang mga operatiba ng NBI-NCR at nalaman na nagsasagawa ng physical examinations at paggawa ng clinical diagnosis ang Chinese kahit hindi naman medical doctor.
Nahuli sa akto na iligal na pag-practice ng medisina ang suspek, partikular sa pag-diagnose at pagsasagawa ng physical examination ng isang undercover na ahente ng NBI.
Kinumpirma sa Professional Regulation Commission (PRC) na ang subject ay hindi lisensyadong manggagamot dahil ipinapakita ng mga rekord na hindi siya humawak ng aprubadong board certification na nagbibigay ng espesyal na permit to practice sa Pilipinas mula noong 1997.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 2382 (Medical Act of 1959).
“Ang National Bureau of Investigation, matatag sa kanyang misyon na protektahan ang mga mamamayan, ay masigasig at walang humpay na hahabulin ang mga indibidwal na nakikibahagi sa mga ilegal na gawaing ito,” sabi ni NBI director Melvin Matibag.

