BOC

P58M shabu nasabat ng BOC

161 Views

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang walong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P58 milyon sa San Andres, Maynila.

Ayon sa BOC ang shabu ay itinago sa isang cargo na mula sa Nigeria at idineklarang food stuff.

Wala umanong kaukulang permit ang shipment mula sa Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry (DA-BPI) kaya hinarang ito ng BOC-Ninoy Aquino International Airport.

Nang buksan ang shipment ay nadiskubre umano ang shabu na itinago sa mga dried spices.