Dinukot na Chinese nasa China embassy na

Gil Aman Apr 6, 2026
90 Views

NASA custody na ng Chinese embassy ang babaeng Chinese na umanoy biktima ng kidnapping at serious illegal detention matapos dukutin ng kanyang kababayan at namalagi sa F6- RGT Chinaware Santisima St., Bagong Barrio, Pandi, Bulacan noong April 2.

Dumating sa bansa si alyas Zhang Xiya noong Marso 24, 2026 subalit noong April 2 dinala sa Morning Field Subdivision, Carmelray 1, Calamba City.

Naganap ang pagdukot sa biktima mga alas-1:41 ng hapon noong April 4.

Tumugon ang Calamba police at nagtungo sa lugar ng insidente para sa beripikasyon sa ulat.

Dito na ipinagtapat ng biktima na kinausap sa pamamagitan ng Google Translate na namalagi ito sa Bagong Barrio, Pandi, Bulacan nang magkasundo na sumama sa driver na si Li Hao na sumundo sa kanya.

Subalit habang nasa biyahe sila sapilitan umanong kinuha ang kanyang cellphone at personal na gamit at pinagbantaan habang nakatutok ang patalim sa kanyang ulo.

Iginapos din ng mga suspek ang kanyang dalawang kamay saka inutusang i-transfer ang 100,000 yuan sa pamamagitan ng Industrial and Commercial Bank of China at ma access sa Agricultural Bank at WeChat accounts.

Matapos iwanan ang biktima noong April 4, tumakas siya habang ang suspek naiwan sa loob ng comfort room.

Sa imbestigasyon sa umano’y driver, nakita sa kotse na naglalaman ng baril at bala.

Narecover din ang isang 9mm pistol at 22 live ammunition.