Garcia Sina Gov. Joet Garcia at mga kinatawan ng National Bureau of Investigation sa pangunguna ni Supervising Agent Leo Carreon, ang bagong hepe ng NBI Bataan District Office.

Kampanya vs scam paiigtingin ng Bataan, NBI

Christian Supnad Apr 7, 2026
128 Views

THE BUNKER, Bataan–Paiigtingin ng Bataan at National Bureau of Investigation (NBI) ang dissemination of information campaign upang hindi mabiktima ang mga tao ng mga scam.

Ito ang napag-usapan nina Gov. Joet Garcia sa pagbisita ng mga kinatawan ng NBI, sa pangunguna ni Supervising Agent Leo Carreon, sa gobernador.

Sinabi ni Gov. Garcia na tinalakay din ang mga usaping may kinalaman sa kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

Unang pinag-usapan ang mga kaso ng online scam, na ayon sa NBI ay dumarami na.

Tinalakay rin nila Gov. Garcia at Carreon ang operasyon ng satellite office ng NBI sa The Bunker, gayundin ang pangangailangan ng karagdagang tauhan at kagamitan.

“Makatitiyak po ang ating mga kababayan na patuloy ang ating pakikipagtulungan sa NBI upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating lalawigan.

Sama-sama po nating isulong ang mas ligtas at mas payapang Bataan para sa lahat,” dagdag ni Gov. Garcia.