Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Snatcher

Instant karma: Snatcher nabundol habang tumatakas

Edd Reyes Apr 12, 2026
276 Views

MABILIS ang karma sa isang snatcher na nambiktima sa isang pedestrian matapos mabundol ng motorsiklo habang tumatakas noong Biyernes ng hapon sa Las Piñas City.

Nahagip pa sa kuha ng CCTV ng isang hardware store sa Barangay Pulang Lupa Dos, CAA Road, ang aktuwal na pangyayari nang hablutin ng stancher ang hawak na salapi ng lalaking kanyang sinusundan bago tumakas patawid ng kalsada.

Bunga ng pagmamadali, hindi napuna ng suspek ang paparating na motorsiklo kaya siya nabundol na dahilan para kapuwa sila mahandusay sa kalsada ng rider na nakabangga.

Sa kabila ng pangyayari, hindi binitiwan ng suspek ang hinablot na salapi hanggang makuha ito sa kanya ng biktima na hindi na naghain ng reklamo sa pulisya.

May nagmalasakit naman sa suspek na tulungang makatayo na dahilan para muling tumakas habang ang rider na nakabundol ay umalis na rin kaya’t hindi na nakarating ang insidente sa pulisya.