Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Boga

Nagtanong ng tamang daan tinutukan, nanutok arestado

Edd Reyes Apr 12, 2026
345 Views

TIKLO ang isang kelot matapos tutukan ng baril at pagbantaang papatayin ang naliligaw na lalaking nagtanong lang ng direksiyon sa kanya noong Sabado sa Valenzuela City.

Nangyari ang insidente sa Brgy. Arkong Bato matapos magtanong ang biktima sa suspek kung saan ang tamang daan papunta sa kanyang paroroonan.

Subalit sa halip na tumulong, nagalit ang suspek, bumunot ng baril at pinagbantaang papatayin ang biktima na sa takot ay kumaripas ng takbo hanggang makahingi ng tulong sa mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa lalaki.

Nakumpiska ng pulisya sa suspek ang hindi lisensiyadong cal .38 revolver na may dalawang bala.

Nahaharap ang suspek sa kasong grave threat at paglabag sa RA 1059 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).