Marilou Cayco, bagong kongresista ng Batanes
Nov 29, 2026
Girlash papansin mashado
Nov 29, 2026
P1K ipinamahagi sa mga lolo, lola sa Jaen
Nov 29, 2026
Calendar
Provincial
Association of Calapeños USA International nakadaupang palad si Gob. Dolor
Helen D. Prado
Apr 15, 2026
558
Views
Oriental Mindoro– Personal na nakadaupang-palad ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang ilang miyembro ng Association of Calapeños USA International noong Lunes, ika-13 ng Abril, kung saan ipinahayag niya ang kanyang buong-pusong suporta sa kanilang adhikaing makatulong sa mga nangangailangan.
Itinatag noong 2007, ang nasabing samahan ay aktibo at tahimik na nagbibigay ng tulong sa mga kababayang Calapeño.
Sa loob ng 18 taon, marami na silang natulungan, kabilang na ang mga mag-aaral na kanilang pinagtapos sa pag-aaral, at iba pang tulong na naipagkaloob ng kanilang organisasyon.
Hinangaan at sinaluduhan ni Gob. Dolor ang patuloy na pagtupad ng grupo sa kanilang layuning umagapay at magsilbi sa komunidad.
P1K ipinamahagi sa mga lolo, lola sa Jaen
Nov 29, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Buwanang fitness test ginanap para sa BPPO
Nov 28, 2026

