PRC

Graduate ng Eastern Samar StateU nanguna sa Electrical Engineer board exam

219 Views

ISANG graduate ng Eastern Samar State University-Borongan ang nanguna sa Electrical Engineer Licensure Examination.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) si Felipe Acol Jimenez Jr. ay nakakuha ng 94.10 porsyento sa naturang pagsusulit na isinagawa noong nakaraang linggo.

Pumangalawa naman si King Joshua Duldulao Arzadon ng Saint Louis University (90.95), at sinundan nina Gino Anthony San Andres Dayo ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (90.65), Ryan Francis Ner Alvar ng UP-Los Baños (90.55), Josselito Salao Marquez ng UP Diliman (90.50), Jaymel Roselio Hiloma ng Sorsogon State College-Sorsogon (90.20), Ymelson Asis Llantino ng UP Los Baños (90.05), Jay Sta. Ana Prado ng Bicol State College of Applied Sciences and Tech (89.30), Ukielle Tejada de Guzman ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Tech. (88,70), at tabla sa ika-10 puwesto sina Aaran Ed Joseph Cabaddu Acuña ng University of Saint Louis-Tuguegarao at Neil Zachary Sargiento de Guzman ng University of Santo Tomas (88.55).

Sa 4,914 na kumuha ng pagsusulit ay 2,467 ang pumasa.