MAAP

Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay

Christian Supnad Apr 20, 2026
24 Views

MARIVELES, Bataan–Magtutulungan ang Brgy. Alas asin, sa pamumuno ni Kapitan Dante Mimban, at Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP) para sa ikabubuti ng mga residente ng barangay.

Sa pamamagitan ng ugnayan, sinabi ni Kapitan Malimban na: “layunin nating mapagtibay ang pagtutulungan at pagkakaisa upang mas epektibong matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng ating mga kabarangay.”

Ayon kay Kapitan Malimban, ang nasabing pagpupulong ay mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng koordinasyon at pakikipag-ugnayan sa isang institusyong patuloy na nagbibigay ng mahalagang ambag sa larangan ng edukasyon at pagpapaunlad ng kakayahan.

Marami pang kompanya gaya ng GN Power ang nag-ooperate sa Alas asin na isa nang industrial barangay at pinakamayamang lugar sa Bataan.

“Sa patuloy na pakikipagtulungan sa Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP), mas mapapalawak pa ang ating mga inisyatibo at mas mapabubuti ang serbisyong naibibigay sa ating komunidad.

Patuloy po nating isusulong ang mga ganitong pakikipag-ugnayan upang makamit ang mas maayos, ligtas, at maunlad na pamayanan para sa ating lahat,” dagdag ng punong barangay.