Boga

Kelot tiklo sa pagbebenta ng boga sa parak

Edd Reyes Apr 23, 2026
45 Views

TIMBOG ang 41-anyos na lalaki na nagbenta ng baril sa pulis na nagpanggap na buyer sa Karuhatan Service Road, Brgy. Karuhatan, Valenzuela City noong Martes.

Nahuli ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Christopher Dela Cruz ang suspek ng tanggapin ang markadong salapi kapalit ng cal .38 revolver na kargado ng dalawang bala na “binili” ng pulis na buyer.

Bukod sa revolver na walang serial number, nakumpiska rin sa suspek ang markadong salapi na ginamit sa buy-bust at isang pouch bag na pinaglalagyan ng armas.

Iprinisinta na para sa inquest proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10502 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).