Calendar
Brgy. officials, parak nag-usap sa Batangas City

ANG Batangas Police Provincial Office, sa ilalim ni P/Col. Meliton Salvadora Jr., at P/Lt. Col. Ira Morello, chief of police ng Batangas City, ay naglunsad ng dayalogo kasama ang mga opisyal at mga tanod ng Brgy. Mahakot Kanluran hinggil sa pagpapatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) Safer City Initiatives.
Sa talakayan, inilahad ang mga plano ng aksyon upang mapalakas ang mga lokal na hakbang sa seguridad, matugunan ang umiiral na mga isyu.
Nagbahagi ang mga stakeholder ng kanilang mga pananaw at rekomendasyon upang higit pang mapahusay ang mga operasyon para sa kaligtasan ng publiko.
Isinagawa rin ang pamamahagi ng dalawang wheelchair sa mga napiling residente ng nabanggit na barangay.
Ang Batangas PPO ay tumutulong para sa kaligtasan ng publiko at pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng mga tagapagpatupad ng batas at mga lokal na komunidad.

