Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

CIDG nakumpiska ng baril, bala sa Tarlac

Bernard Galang May 2, 2026
29 Views

NAGRESULTA ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group sa pagkakaaresto ng isang suspek at pagsamsam ng iba’t-ibang baril at bala sa Brgy. San Isidro, Tarlac City.

Kinilala ni CIDG-RFU3 chief Col. Grant Gollod ang suspek sa alyas Lim na nahuli sa ilalim ng Oplan Paglalansag Omega sa pamumuno ni Lt. Col. Arvin Hosmillo.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang 9mm Taurus pistol na may magasin at 14 na bala ng 9mm, anim na bala ng kalibre .45, 16 na bala ng kalibre .22 at isang holster.

Sa karagdagang paghahalughog, nadiskubre pa ang 9mm Taurus G2C pistol, cal 40 Glock Gen4 pistol, mga magasin at ilang bala ng iba’t-ibang kalibre ng baril.

Dinala ang suspek sa CIDG Tarlac Provincial Field Unit at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591.