Kuwento ng mga kabit, babaeng bayaran
Nov 23, 2024
Kathryn tumanggag ng award sa LA
Nov 23, 2024
Calendar
Provincial
Bilang ng pasahero sa Clark airport dumarami
Peoples Taliba Editor
Sep 17, 2022
227
Views
DUMARAMI ang mga pasahero sa Clark International Airport.
Ayon sa Luzon International Premier Airport Development (LIPAD), ang operator ng Clark airport, mula Enero hanggang Agosto 2022 ay 434,214 ang bilang ng mga pasahero na gumamit ng nabanggit na paliparan, tumaas ng 282.2 porsyento kumpara sa unang walong buwan ng 2021.
Sa bilang na ito, 363,878 ang bumiyahe papunta o galing a ibang bansa at ang nalalabi ay galing o papunta sa mga lugar sa loob ng bansa.
Iniulat din ng LIPAD na tumaas ng 129.1 porsyento ang kabuuang bilang ng mga biyahe mula Enero hanggang Agosto kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.
Umabot umano sa 3,205 flights ang lumapag at umalis sa Clark airport sa unang walong buwan ng taon.
Maguindanao Massacre inalala ng PTFoMS
Nov 23, 2024
TULONG NINA SPEAKER, PBBM, AMANTE
Nov 23, 2024
Suspek sa rape, attempted rape nasakote
Nov 23, 2024