Walang lisensyang baril nakuha sa obrero
May 5, 2026
Suspek na gunman patay sa barilan
May 5, 2026
Calendar
Provincial
2 kriminal tiklo sa Bulacan, Zambales
Bernard Galang
May 5, 2026
23
Views
INAARESTO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang suspek sa kasong panghahalay at pagpatay sa Bulacan at Zambales noong Mayo 4.
Kinilala ang unang suspek na si alyas Cruz, 47, na nahuli sa kasong pagpatay sa Brgy. Catacte, Bustos, Bulacan.
Ipinatupad ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya para sa kasong homicide na inilabas ng Regional Trial Court Branch 77 sa Malolos City, Bulacan.
Inaresto naman ng mga ahente ng CIDG si alyas Nacho, 37, dahil sa kasong panghahalay sa 3rd St., West Bajac-Bajac.
Nasa kustodiya ng mga pulis ang dalawang suspek.
Ayon kay Col. Grant Gollod, ipinapakita ng mga pag-aresto ang patuloy na pagsisikap ng CIDG na matunton ang mga nagtatagong pugante.
Suspek na gunman patay sa barilan
May 5, 2026
Negosyante pasok sa selda dahil sa gahasa
May 5, 2026
Diplomats’ dialog pinangunahan ng konsul heneral
May 4, 2026
Region 4A payapa Labor Day event
May 4, 2026
Bauan nagdiwang ng 25th Sublian fest
May 4, 2026
