Property developers may tie-up sa 4PH program
Oct 11, 2026
Timpi na malala si host ki na OA
Oct 11, 2026
Calendar
Provincial
Suspek na gunman patay sa barilan
Bernard Galang
May 5, 2026
333
Views
SAN FERNANDO, Pampanga–Patay ang isang hinihinalang gunman matapos makasagupa ng mga pulis noong Lunes sa Brgy. Del Carmen ng siyudad na ito.
Kinilala ng Pampanga police ang nasawi na si John Viray na napatay ng mga tauhan ng San Fernando City police katuwang ang Provincial Intelligence Unit sa Riverside, Sitio Pangulo.
Nag-ugat ang operasyon sa naunang insidente ng pamamaril na naganap sa 2nd St. sa Brgy. Lourdes.
Ayon sa mga awtoridad, sa pamamagitan ng backtracking ng CCTV at imbestigasyon, natukoy ang suspek bilang isa sa mga sangkot at nalaman ang kanyang posibleng pinagtataguan.
Pagdating ng mga operatiba sa lugar, agad na nagpaputok ang suspek kaya gumanti ng putok ang mga pulis.
Sa palitan ng putok, nasawi ang suspek.
61 pugante huli sa Calabarzon
Oct 11, 2026
Puregold-Sta. Cruz may bomba raw; walang sumabog
Oct 11, 2026
61 Pugante, Huli sa CALABARZON
Oct 11, 2026
Mag-jowa tiklo sa Batangas; P1M shabu, boga kubra
Oct 10, 2026
Boto ng mga katutubo, itinulak ng COMELEC sa Palawan
Oct 10, 2026

