Calendar
Lalaki pinagbabaril sa harap ng kabiyak, anak; tepok
DEAD on the spot ang 39-anyos na ama matapos pagbabarilin sa harap ng kaniyang misis at anak sa Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang biktima na si alyas “Faisal”, 39, tubong Datu Udin Sinsuat Maguindanao Del Norte, at residente ng Herrera St., Brgy. Marulas, Valenzuela City.
Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), alas-9:30 ng gabi nitong Miyerkules (May 6), nang mangyari ang pamamarili sa eskinita ng Cadena De Amor St., Brgy Central, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Ajay G Paras, sinsundan umano ng misis na si alyas “Rizaly” at ng kaniyang anak ang biktima habang patungo sa kanilang motorsiklo nang biglang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek si Faisal.
Sa takot at napatakbo si Rizaly kasama ang anak sa kanilang kamag-anak para sa kanilang kaligtasan.
Makalipas ang ilang minuto ay nakita na lamang niyang duguan nang nakahandusay ang biktima sa tabi ng kanyang motorsiklo.
Agad siyang humingi ng tulong, at isinugod nila ang biktima sa East Aenue Medical Center subalit idineklara na itong dead on arrival sanhi ng tinamong apat na bala sa dibdib.
Dumating sa pinangyarihan ng krimen ang SOCO team mula sa QCPD Forensic Unit, sa pangunguna ni P/CMS Federico B. Manzano, at nasamsam ang tatlong basyo ng ‘di pa batid na kalibre ng baril, dalawang deformed fired bullets, at ang motorsiklo ng biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaril para sa posibleng pagkakakilanlan ng salarin.

