Hot News

Kelot natagpuang patay sa poso negro

Zaida Delos Reyes May 12, 2026
24 Views

Pic

Pic1
Photos: Davao City Police Office

ISANG bangkay ng lalaki ang natagpuan sa loob ng septic tank noong Martes sa New Matina Gravahan sa Brgy. 74-A, Matina Crossing, Davao City.

Batay sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang bangkay dakong alas-5:00 ng umaga.

Rumesponde ang mga tauhan ng Ecoland Police Station para sa kaukulang aksyon pero blangko pa kung ano ang tunay na nangyari sa biktima.