Calendar
Yorme: Tuluy-tuloy lang ang trabaho
PINAYUHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na ituloy lang ang trabaho para sa kapakanan ng mga mamamayan.
Sinabi ito ng alkalde na sa gitna ng ingay sa pulitika kaya dapat manatiling pangunahing layunin ang maiahon at mapaglingkuran ang mga kababayan.
“Basta tayo, todits lang sa gedli. Tuloy-tuloy lang ang trabaho para sa kapakanan ng mga Batang Maynila,” pahayag ng alkalde.
Sa panahon ngayon, ayon sa alkalde, dapat isantabi muna ang hindi pagkakaunawaan ng mga pulitiko at sa halip, ang kailangang kalabanin ay ang kahirapan ng tao.
Nagbigay ng payo ang alkalde sa mga kapwa lingkod-bayan kasunod ng pagpapalit ng liderato sa Senado at pagboto ng 257 mambabatas sa Kongreso para ma-impeach si Vice President Sara Duterte.
