Hot News

Miss Universe Philippines 2026 sa mga opisyal ng gobyerno: Panindigan nyo sinumpaang tungkulin

102 Views

NAGBIGAY ng matapang na mensahe si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski matapos niyang ibahagi sa Instagram Story ang quote tungkol sa pananagutan ng mga halal na opisyal sa taumbayan.

“Our demands are simple. Elected officials must live up to the oath they took while sworn into office. Serve the Philippines and its people above self-interest,” ayon sa ibinahaging quote card ni Bea.

Agad itong umani ng atensyon online, lalo’t sariwa pa ang kanyang pagkapanalo bilang bagong kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.

Matatandaang naging usap-usapan din si Bea matapos ang kanyang final Q&A answer sa coronation night, kung saan binigyang-diin niya ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas at hangaring makalikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino sa sariling bansa.