Fire Source: Philippine Emergency Alerts

50-anyos na babaeng nakaratay sa kama patay sa sunog sa Caloocan

Edd Reyes May 15, 2026
48 Views

Fire1

Fire2
Source: Philippine Emergency Alerts

NASAWI ang 50-anyos na babaeng bedridden nang makulong sa loob ng kanyang silid sa nasusunog nilang tirahan Huwebes ng gabi sa Caloocan City.

Natagpuan ng mga tauhan ng Caloocan-Bureau of Fire Protection (BFP) ang bangkay ng biktima makaraang maapula ang sunog na sumiklab bago mag-alas-10 ng gabi sa residential area sa Magalang Streets, Barangay 145 Bagong Barrio, sa naturang lungsod.

Hinihinalang naiwanang nakasinding kandila na gamit ng naninirahan sa bahay na pinagmulan ng apoy ang sanhi ng sunog bunga ng kawalan ng supply ng kuryente sa lugar dahil na rin sa nararanasang rotational brownout.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog hanggang sa ideklarang “fire under control” alas-10:57 bago tuluyang naapula ng alas-11:20 na ng gabi. na nagresulta sa pagka-abo ng hindi bababa sa 10-kabahayan at pagkawala ng tirahan ng may 30-pamilya.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Barangay Hall ng Bagong Barrio kung saan kaagad silang pinadalhan ng pagkain at mga pagunahing pangangailangan ng lokal na pamahalaan habang ang ilan naman ay sa kanilang kaanak muna nakitira.