Most ‘boteful’ na lugar sa PH ang Palawan

43 Views

BROOKE’S POINT, Palawan–Nakakolekta ng mahigit sa 70,000 bote na ginamit na boteng bubog sa loob ng anim na buwan sa ilalim ng programang “BOTEful Philippines” ng Ginebra San Miguel, Inc. (GSMI).

Ito na ang pinakamalaking bilang na naitala sa kasaysayan ng inisyatiba mula nang ilunsad ito noong 2017.

Sa kabuuan, umakyat na sa 240,000 ang mga boteng nakolekta sa buong bansa.

Nanguna sa aktibidad ang Brgy. Tubtub sa Brooke’s Point na nakalikom ng 11,489 bote.

Ang mga nakolektang bote ay ibabalik sa GSMI para muling gamitin, ayon kay Ramon Ang, chairman at CEO ng San Miguel Corporation (SMC).

Pinatunayan ng Palawan na malaki ang natatamo ng pagtutulungan ng komunidad. “Ang boteng naisasauli ay muling nagagamit; ang boteng itinatapon ay nagiging basura,” sabi ng SMC chairman.

Bilang kapalit, ang mga residenteng nakiisa ay nakatanggap ng mga puntos na maaaring ipagpalit sa mga produkto ng San Miguel Food and Beverage.