Suspek

Suspek sa pagpatay tiklo sa Batangas

46 Views

Suspek1KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR–Laglag sa kamay ng batas ang suspek sa pagpatay noong May 14, ayon kay Batangas police director P/Col. Oliver Ebora.

Ang suspek, si alyas Pire, 49, nahaharap sa kasong homicide sa Oriental Mindoro at naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Fourth Judicial Region, Branch 43, Oriental Mindoro.

Ang korte ay nagrekomenda ng P120,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Isinagawa ang operasyon ng San Luis police, ayon sa report.