Gusali Ang gusali ng Laguna University na hindi na ipinagamit sa mga estudyante dahil sa mga bitak-bitak at iniimbestigahan pa ang kontraktor.

Laguna University temporary classrooms gawa na

Gil Aman May 15, 2026
48 Views

GAWA na ang temporary classrooms na magagamit sa Laguna University para sa pagbubukas ng klase.

Ininspeksyon ni Gob. Sol Aragones noong Mayo 14 ang mga pansamantalang silid aralan na ipinagagawa para sa mga estudyante ng Laguna University.

Inihahanda na ng pamahalaang panlalawigan ang 14 temporary classrooms at isang faculty room upang matiyak na tuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa unang semestre ngayong Hulyo.

Nilagyan din ang mga ito ng armchairs at air conditioning units upang maging mas maayos at komportable ang pag-aaral.