Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Provincial
Misis patay, mister buhay sa pamamaril sa Basilan
Zaida Delos Reyes
May 15, 2026
365
Views
PATAY ang isang babae habang sugatan naman ang kanyang asawa matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect habang papauwi sa kanilang bahay nitong Huwebes ng gabi sa Barangay Lanote, Isabela City, Basilan.
Nakilala ang nasawi na si Karen Isabel Toledo Resurrecion , 48 -anyos.
Isinugod naman sa pagamutan ang kanyang asawa na si Nelson Resurrection, 50.
Batay sa ulat ng Isabela City Police Station, lulan ang mga biktima ng kanilang motorsiklo papauwi sa kanilang bahay nang sundan ang mga ito ng mga suspect.
Pagsapit sa isang malawak na taniman sa barangay Lanote ay agad silang pinaulanan ng bala ng mga suspect.
Kapwa isinugod sa pagamutan ang mga biktima subalit hindi na umabot ng buhay ang babae.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

