Calendar
4 na suspek sa pagnenok ng kable arestado
TIMBOG ang apat na umano’y tirador ng kable matapos makipaghabulan bago matiklo ng mga pulis sa Taguig City.
Dakong alas-4 ng umaga nang ma-obserbahan ng mga tauhan ni Parañaque police chief P/Col. Nicolas Pinon ang pagpasok sa bukas na manhole ng isa sa mga suspek sa Dr. Arcadio Santos Avenue, BF Homes, at nang lumabas ay may bitbit ng mga kable ng telepono
Nang mapuna ng mga suspek ang mga pulis, sumakay sa van at tumakas kaya’t hinabol sila ng mga pulis hanggang abutan sa Bicutan.
Naaresto sina alyas Rommel, 28; John Zedrick, 18; at John Rose, 27, at nakumpiska sa kanila ang mga pinutol na kable ng telepono, bold cutter, metal saw at iba pang mga gamit.
Dinakip din ng pulisya ang ika-apat na suspek na si alyas Rodel, 32, nang magtungo sa police station upang kunin ang Foton Tornado van na gamit sa pangungulimbat.

