Fiesta Litrato,ni JONJON C. REYES

Bgy 735 ipinagdiwang taunang piyesta; punong bgy, kagawad nagpalaro, nagpasaya

Jon-jon Reyes May 17, 2026
28 Views

NAGDAOS ng taunang piyesta ang Barangay 735 sa Muñoz St.,Malate, District 5, Lungsod ng Maynila, nitong Linggo.

Isinagawa ang iba’t ibang tradisyunal na palaro tulad ng agawan buko, pokpok palayok at iba pang paligsahang pambata. Nakisaya rin ang mga matatanda sa nasabing palaro.

Pinangunahan ni Punong Bgy. Alfredo B. Tan, mga kagawad na sina Rejid Buenasidacruz Melchor Nava, Jose Marie Vicente, Jomar Sualog, Jonjon C. Reyes, Ryan Lugos at Alfredo V. Tan Jr. ang kasiyahan at mga palaro sa nasabing piyesta.