Senior1 Source: QCPD-PIO

Senior citizen patay, isa pa sugatan matapos araruhin ng pickup truck

27 Views

SeniorSenior2PATAY ang isang senior citizen habang sugatan naman ang isa pa matapos silang araruhin ng isang pickup truck habang nakapila para bumili ng ₱20 kada kilong bigas sa harap ng Bureau of Animal Industry sa Visayas Avenue, Quezon City madaling-araw nitong Miyerkules.

Ayon sa report, nangyari ang insidente dakong alas-3:45 ng madaling-araw sa pedestrian lane malapit sa tanggapan ng Department of Agriculture naghihintay umano ang mga biktima sa bangketa para sa pagbubukas ng tanggapan ng BAI kung saan ibinebenta ang subsidized rice sa ilalim ng food program ng gobyerno nang biglang sumwerve ang pickup truck at sumalpok sa kanila.

Bigla umanong umakyat sa bangketa ang itim na pickup truck na galing sa Elliptical Road at dire-diretsong sumalpok sa pila ng mga tao.

Dead on the spot ang senior citizen habang agad isinugod sa ospital ang isa pang biktima na nagtamo ng sugat at kasalukuyang nagpapagamot.

Ayon sa ilang saksi, nagtakbuhan din ang ibang nakapila para makaiwas sa sasakyan.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng QCPD Traffic Sector 6 ang driver ng pickup truck habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.