Hot News

40 motorsiklo na gagamitin ng MPD itinurn over ni Yorme Isko kay MPD Chief PBGen. Santiago

Jon-jon Reyes May 20, 2026
50 Views

IskoIsko1Isko2Isko3Isko4Isko5Isko6PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasama si Vice Mayor Chi Atienza, ang turnover ng 40 Yamaha NMAX motorcycles mula sa First Tondo Complex Association Inc. at Chiang Kai-shek College sa Manila Police District, na pormal namang tinanggap ni PBGen Atty. Arnold C.Santiago, RCrim., DPA, District Directorng Manila Police District. Martes ng hapon.

Ang mga yunit ng motorsiklo ay ipapamahagi smula sa Station 1 hanggang Station14 ng pulisya upang mapahusay at mapabilis ang pagresponde, pataasin ang police visibility sa kalye, at palakasin ang mga pagsisikap na matiyak ang kaligtasan ng publiko sa buong Lungsod ng Maynila.

“Ito ay bilang suporta sa ating kapulisan sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod, ipinagkaloob na po natin ang 40 bagong unit ng NMAX motorcycle sa Manila Police District,” ani Yorme Isko.

“Malaking tulong ito upang mas maging mabilis ang kanilang pagresponse sa mga iba’t ibang insidente, lalo na sa mga masisikip na eskinita, at mas mapalakas ang presensya ng pulisya sa ating mga komunidad. Muli po tayong nagpapasalamat sa Chiang Kai Shek College sa kanilang patuloy na suporta sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila, lalo na sa ating kampanya laban sa kriminalidad at sa pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat Batang Maynila,” dagdag ni Yorme Isko.