Shabu

3 ‘tulak’, P1.3M laglag sa Taguig buy bust

Edd Reyes May 20, 2026
23 Views

MAHIGIT P1.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa tatlong tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation Martes ng gabi sa Taguig City.

Naaresto ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco sina alyas “Nash”, 25, alyas “Parouk”, 32, at alyas “Dustin” 18, nang makipagtransaksiyon sa pulis na nagpanggap na buyer sa loob ng isang establisimiento sa Brgy. Lower Bicutan pasado alas-7:00 ng gabi.

Umabot sa 200 gramo ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng SPD sa mga suspek na may kabuuang halagang ₱1,360,000.00, pati na ang markadong salapi at mobile phone na kanilang gamit sa ilegal na transaksiyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A.9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nakapiit na ngayon sa custodial facility ng DDEU-SPD.