Suspect Makikitang binabasahan ng nilalaman ng warrant of arrest ang suspek sa loob ng kulungan. JONJON C. REYES

Kelot na may kasong acts of lascivousness natunton sa kulungan

Jon-jon Reyes May 26, 2026
57 Views

INARESTO ang isang 33-anyos na vendor ng mga operatiba ng MPD Delpan Police Station12 dahil sa kaso nitong tatlong bilang ng statutory acts of lasciviousness matapos matunton sa kulungan ng Delpan Police Facilities Lunes ng hapon.

Kinilala PLt. Col. Felimon B. Cacap, commander ng MPD PS12 ang suspek na si alyas “Janmart”, tindero at naninirahan sa Gate 17, Parola Compound, Barangay 20, Zone 2, Tondo, Manila.

Ang akusado ay dinampot sa isinagawang saturdation drive ng mga operatiba ng Intelligence and Warrant Section sa pangunguna ni PLt. Ferdinand Omli sa Delpan Area .

Bitbit ng mga pulis ang arrest warrant laban sa suspek na inisyu ni Judge P. Ma Bajarias-H, ng Regional Trial Court, Branch 6 Family Court Manila,

Sa karagdagang impormasyon ang suspek ay kabilang sa talaan ng Most Wanted Persons sa station level.