Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Calendar
Metro
Mag-ina nailigtas ng mga parak
Edd Reyes
May 28, 2026
139
Views
NAILIGTAS ng mga pulis-Makati ang ina at tatlong araw niyang sanggol sa convenience store noong Huwebes sa Makati City.
Nagtungo ang mga police sa establisimiento sa kanto ng Gil Puyat at Makati Avenue para tulungan ang bagong panganak na babae dakong alas-8:55 ng umaga.
Sa tulong ng mga kasamang rescuer mula sa sa Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), naisugod ang mag-ina sa Ospital ng Makati (OSMAK) at ginamot.
Nakipag-ugnayan din ang mga awtoridad sa Women and Children Protection Desk (WCPD) at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa karagdagang tulong sa mag-ina
Pinuri ni Southern Police District P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang mga rumespondeng pulis.
Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Pulis sinapak, dinuraan sa kaguluhan sa Malate
Jul 15, 2026

