PNP

Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA

28 Views

PNP1PNP2

CALAMBA CITY — Nagtipon ang mga tauhan ng Regional Headquarters ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) para sa Daily PNP Personnel Accounting (DPPA) na ginanap sa PRO 4A Covered Court, Camp BGen Vicente P. Lim sa lungsod na ito.

Ang naturang aktibidad na pinangunahan ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) ay hindi lamang nakatuon sa karaniwang pag-uulat ng pagdalo, kundi naging daan din para sa pagpapatibay ng moral at espirituwal na aspeto ng mga kapulisan.

Nagbahagi ng isang makabuluhang mensahe si Pastor Juny Austero mula sa My Brother’s Keeper (MBK) Philippines. Sa kanyang pagninilay ukol sa pag-ibig ng Diyos, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng integridad, paninindigan, at paggalang sa Maykapal sa pagtupad ng tungkulin sa serbisyo.

Kasunod nito, nag-iwan din ng inspirasyon si PCOL Ivy C. Mallo, Hepe ng RCADD. Ipinaalala niya sa mga persononahe ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kontentamento, pagmamahal sa pamilya, at taos-pusong pasasalamat sa mga biyayang natatanggap araw-araw.

Bukod sa mga administratibong anunsyo ukol sa lumalawak na ugnayan ng Regional Office sa komunidad gamit ang social media, naging tampok din sa aktibidad ang pagtangkilik ng mga pulis sa “KADIWA NG PANGULO” pop-up store. Dito ay aktibong binili ng mga tauhan ang mga sariwa at lokal na produkto mula sa iba’t ibang agrikultural na munisipalidad sa rehiyon.