Calendar
Suspek sa panghahalay natunton sa sari-sari store
INARESTO ng mga pulis sa bahay niya ang 21-anyos na lalaki dahil sa kasong panghahalay noong Sabado sa Makati City.
Natunton ng mga tauhan ni Makati police chief P/Col. Pedro Alagano, Jr. si alyas Marco sa sari-sari store sa Reyes St., Brgy. Bangkal, Makati pasado alas-4:00 ng hapon.
Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Makati Regional Trial Court (RTC) Acting Presiding Judge Mary Jean Cajandar-Ong ng Branch 136 para sa apat na bilang na kasong panghahalay at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya.
Pinuri ni Southern Police District (SPD) director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang Makati police sa pag-aresto sa suspek.
Nasa kustodiya pa ng Makati City police ang akusado habang hinihintay ang paglalabas ng commitment order ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Makati City Jail.

