Posas

Suspek sa qualified theft tiklo sa Cabuyao

Gil Aman Jun 4, 2026
33 Views

ARESTADO kamakailan ang lalaking may nakabinbing 45 counts ng kasong qualified theft sa Cabuyao City, Laguna.

Umabot sa P1.8 milyon ang inirekomendang piyansa ni Judge Arnold Rimon Martine, Presiding Judge, Regional Trial Court Fourth Judicial Region, Branch 108 ng Cabuyao City para sa pansamantalang paglaya ng suspek, ayon sa report.

Naaresto ang suspek ng tracker team ng Cabuyao police dakong alas-12:13 ng tanghali sa Brgy. San Isidro, Cabuyao City.