Calendar
Mga nanalo sa visible policing comics making contest kinilala

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City–Pinangunahan ni P/BGen. Hansel Marantan, director ng Police Regional Office (PRO) 4A, ang pagkilala sa mga nagwagi sa PRO 4A Proactive Visible Policing Comics-Making Contest noong Hunyo 8.
Tinanghal na kampeon ang Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD).
Nasungkit ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) ang ikalawang pwesto, habang nakuha ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang ikatlong pwesto.
Layunin ng patimpalak na pag-isahin ang mga estratehiya ng Oplan Galugad, Oplan Bantay Dangal, Oplan Bandillo at UNIFIED 911 Emergency System upang mas mapalakas ang pagpigil sa krimen, pakikilahok ng komunidad at kaligtasan ng publiko.
Ayon kay PBGen Marantan, ang aktibidad ay alinsunod sa mandato ng Philippine National Police (PNP) at sa Focused Agenda ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.
Ang mga nagwaging disenyo ay gagamiting IEC materials ng PRO 4A na ipapamahagi sa mga isasagawang community outreach, crime prevention seminars at mga kampanya para sa kamalayan ng publiko.
