Calendar
Suspek sa apat na bilang ng panggagahasa nasakote sa Sta. Rosa
LAGLAG sa operatiba ng Sta Rosa police at RSOU ang isang lalaki dahil sa kasong rape sa isinagawang operation sa Mercado Village,Sitio STI, Brgy. Pulong Sta Rosa City,Laguna, nitong Martes, June 9, 2026.
Ang arestadong suspek ay kinilalang si alyas Bob, Most Wanted Person sa Regional Level
Sa ulat ni PMajor Francis Albert E. Fortunado ,ng RSOU, ang akusado ay may kasong apat na bilang ng panggagahasa. Ang warrant or arrest laban sa kanya ay inilabas ni Judge Rosauro Angelito Sicat David, RTC Branch 101, sa Sta Rosa City, Laguna.
Ang isinagawang operation ay may kaugnayan sa Oplan Manhunt Charlie na ipinag-utos ni Calabarzon Regional IVA Direcor PBGen. Hansel Marantan.
Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

