Calendar
Libjo National High School nakatanggap ng bomb threat

Lungsod ng Batangas — Isang nakakanginig-tuhod na mensahe noong Lunes ang nabasa ng isang guro sa opisyal na Facebook page ng Libjo National High School sa Brgy. Tulo.
Ang texto ay nagsasaad ng —”We have planted multiple timed explosives throughout the Libjo National High School grounds: one at the Department of Public Works and Highway, two in the garden, and three at the Kapariz.”
Ang banta ay ipinadala ng isang account na nagngangalang “Dump jp” dakong alas-7:25 ng gabi. Ito ay nag-ugat umano sa galit ng isang magulang dahil sa “hindi patas na pagtrato” at sa “sobrang init na nararanasan ng anak sa buong araw na klase.”
Detalyadong sinabi sa mensahe na may anim na timed explosives na nakatanim sa iba’t ibang bahagi ng paaralan na nakatakdang sumabog anumang oras.
Agad na humingi ng saklolo sa Batangas Component City Police Station ang guro na si Rachelle Gamboa Cueto, 31, at ang School Principal na si Jeremy Fruelda Falcatan, 47, matapos magdulot ng matinding takot at kaguluhan ang mensahe sa mga guro at mag-aaral.
Mabilis na binalot ng seguridad ng Batangas CCPS ang buong paligid ng nasabing paaralan.
Nakikipag-ugnayan na rin ang pamunuan ng pulisya sa PECU-Batangas para sa agarang bomb-sniffing at paneling operations upang masigurong ligtas ang paaralan mula sa anumang banta ng terorismo.

