Dolphy

Muling pakikipagrelasyon ni Zsa Zsa, may blessing ni Dolphy

Vinia Vivar Jun 14, 2026
34 Views

Binalikan ni Zsa Zsa Padilla ang mga alaala niya sa dating partner na si Comedy King Dolphy bilang paggunita sa araw ng kamatayan nito noong June 10.

Sa latest vlog ni Julius Babao ay mapapanood ang tour ng anchor/broadcaster sa Casa Esperanza farm sa Lucban, Quezon, pag-aari ng Divine Diva at ng current partner nitong si Conrad Onglao.

Pag-alala ni Zsa Zsa, kung komedyante si Dolphy at magaling magpatawa sa mga pelikula, sa totoong buhay, tahimik ito.

“He’s a man of few words. Ayaw niya ng arguments. Minsan, kakausapin ko siya, galit ako, mataas ang boses ko, nanonood lang siya ng TV,” kwento ni Zsa Zsa.

In real life, noong nabubuhay pa, hindi raw nagpapatawa parati si Dolphy.

“No, never at home. Seldom, sometimes, yeah,” aniya.

Dagdag pa ni Zsa Zsa, “Actually, during that time, I was the funny one. My kids would say, ‘no, mama is the funniest.’ Yeah, ako ‘yung ganu’n,” kwento niya.

Binalikan din ng singer ang last moments ni Dolphy matapos itong ma-diagnose ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD) at tinaningan na ng doktor.

“Bago siya namatay ng complications ng COPD, alam na namin na papunta na siya sa last stage. Then before that, we had to meet everybody and let them know that his time was very… you know. I think, he lived two years pa, almost two years from the time that we told everyone na may taning na ‘yung buhay niya,” she recalled.

Inalala rin ni Zsa Zsa na bago namatay si Dolphy ay tinanong pa siya nito kung makikipagrelasyon siya ulit kapag nawala na siya.

“I said ‘yes,’ and then he said, ‘bata ka pa.’ He accepted it,” kwento ng Divine Diva.

Two years after Dolphy died, nakilala niya si Conrad at humantong ito sa isang relasyon. Hanggang ngayon ay maligaya sila sa kanilang pagsasama.

Matatandaang pumanaw ang Hari ng Komedya noong June 10, 2012.