Suspek Ang arestadong suspek.

Welder nanaksak sa Talisay; kelot, bebot, 2-anyos na bata dedo

167 Views

TALISAY, BATANGAS — Tatlo ang patay at isa ang sugatan matapos pagsasaksakin ng welder sa Brgy. Aya ng bayang ito noong Biyernes.

Kinilala ang mga biktima na 59-anyos na lalaki, 35-anyos na babae at dalawang-anyos na batang lalaki na sa ospital na namatay.

Naisugod sa Global Medical Center ang 6-anyos na bata at nagpapagaling ng mga natamong sugat.

Nadakip noong Sabado ng mga tauhan ng Talisay police ang suspek na si alyas Jay, 33.

Dakong alas-10:40 ng gabi noong Hunyo 19 nakatanggap ng tawag ang mga pulis hinggil sa pananaksak.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, tumambad sa kanila ang duguang bangkay ng dalawang biktima at ang galit na galit na suspek na si alyas Jay.

Narekober ng mga pulis ang mga duguang damit at ang patalim na ginamit sa karumal-dumal na krimen.

Kasalukuyan nang nakapiit sa kulungang bayan sa Talisay ang suspek na binasahan na sa kanyang mga karapatan sa ilalim ng Konstitusyon.