Produktong petrolyo may bawas-presyo sa Martes

193 Views

MAY bawas-presyo ang mga produktong petrolyo sa Martes.

Inanunsyo ng iba’t ibang kompanya ng langis na mayroong pagbaba sa presyo ng gasolina ng P0.40 kada litro, sa diesel ay P0.45 kada litro at sa kerosene ay P0.85 kada litro.

Ito na ang ikalimang sunod na linggo na nagpapatupad ng bawas-presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa.