Hot News

Herlene sinopla nagtanong kung pwede siya sa ‘one night stand’

60 Views
Herlene
Larawan: Herlene Budol

IBINAHAGI ng aktres at beauty queen na si Herlene Budol ang screenshot ng umano’y pribadong mensahe mula sa isang nagpakilalang gobernador na nag-alok umano sa kanya ng ₱150,000 kapalit ng isang “one-night stand.”

Sa Instagram Story ni Herlene, makikita ang mensahe ng isang account na nagsabing, “Hello I’m Gov,” bago nagtanong kung available umano siya para sa isang “one-night stand” at kung magkano ang bayad. Ilang oras matapos ang mensahe, nagpadala umano ang naturang account ng alok na “150k.”

Hindi ito pinalampas ni Herlene at diretsahan niyang sinagot ang nagpadala ng mensahe.

“Hello gov pakyu sayo na 150k mo! Itulong mo na lang ’yan sa nasasakupan mong lugar. God bless haha!” tugon ng aktres. Samantala, umaasa naman ang netizens na maglalabas ng clue si Herlene.