Calendar
Hashtags sa Miss PH Earth parinig kay Jusa?

UMANI ng batikos mula sa ilang netizens ang Miss Philippines Earth Organization matapos mapansin ang mga hashtag na lumabas sa question-and-answer segment ng coronation night, na iniuugnay umano sa naging kontrobersyal na pag-alis ni reigning queen Joy Barcoma sa organisasyon.
Kabilang sa mga hashtag ang #Ungrateful, #Commitment, #Obligation, #Insincere, #Opportunist, at #Loyalty, na ayon sa mga netizen ay tila patama umano sa dating titleholder.
Kasunod nito, umani ng samu’t saring reaksiyon sa social media ang naturang eksena, kung saan marami ang nagsabing hindi ito nararapat na isama sa isang pageant na nagsusulong ng environmental advocacy at women empowerment.
Nagbahagi rin ng mensahe ang pageant content creator na “For The Philippines,” na nagsabing nakagugulat umano ang naturang mga hashtag at tila may laman ang mga ito. Aniya, “Hindi nakaka-class ang ganito.”
Nagbigay naman ng maikling tugon si Joy Barcoma sa naturang post.
“Regardless of what these hashtags may imply, my gratitude remains unchanged, and I refuse to carry hate. If this gave anyone peace of mind, then I sincerely hope it did,” ani Barcoma.
Nauna nang naging usap-usapan ang umano’y hindi pagdalo ni Barcoma sa coronation night at ang kawalan niya ng tradisyunal na farewell walk.
